Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas: ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15, 1898; ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos mula noong Setyembre 29, 1898 hanggangEnero 21, 1899; at ang pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23,1899.[1]
Sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 260, iprinoklama ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang simbahan bilang isang pambansang liwasan noong Agosto 1, 1973.[2]
Ito ngayon ang nasa likod ng sampung pisong papel, at ito din ay naging tanawin para sa mga turista.